Wednesday, February 6, 2008
Friday, January 25, 2008
humanities
Sa tula ni Sara Teasdale na “The Look”, naipahayag niya kung ano ang pakiramdam kung saan na sa isang simpleng tingin ay naipakita at naipadama ng isang lalaki ang kanyang sensiridad, na sa tinging din na iyon ay napaalam niya kung ano man ang kanyang nararamdaman at nais iparating sa babae.
Sa pagbasa ng tulang ito ay maiintindihan kung gaano katotoo ang pagtingin ng isang lalaki na nagkaroon ng epekto sa muli’t muling pagkakaalala nito ng babae, araw man o gabi. Maaaring maramdaman din ng mambabasa ang nararamdaman ng manunulat kung paano niya naramdam ang tingin, na mas matindi pa sa halik. Napagkumpara din ng manunulat kung gaano kadaling niyang nalimot ang halik, samantalang ang “halik” sa mga mata ng tingin ni Colin ay tuluyan at palagian niyang naaalala.
Ang tanyag naman na tula na isinulat ni Edgar Allan Poe na “Annabel Lee” ay nagrerepresenta sa kanyang asawa na si Virginia Clemm.
Ang tulang “Annabel Lee” ay tungkol sa kanyang asawa at sa pagmamahal niya dito. Ang tula ay punong puno ng damdamin, marahil sa kadahilanan ito ay mula sa puso ng manunulat. Sinasalaysay niya dito ang umaapaw niyang pagmamahal sa kanyang magandang si “Annabel Lee”. Sa mga salitang ginamit niya para purihin si Annabel Lee, mapapansin ang matindi niyang paghanga sa kanya. Sa bawat linya ay mararamdaman ang pag-ibig niya dito.
Nagsasalaysay din ng kwento ang tulang ito. Sa panunulat ni Poe ay kinukwento niya kung paano nawala sa kanya ang kanyang minamahal. Mararamdaman sa tula na buong puso niyang ipinagmamalaki ang kaniyang mahal at kabila ng pagkawala nito, hanggang sa huli ay inialay niya ang pag-ibig niya dito
Sa tula na isinulat ni Christopher Marlowe, na “The Passionate Shepherd to His Love” ay sinagot ng tula na isinulat naman ni Walter Raleigh, na “The Nymph’s Reply to the Shepherd”.
Ang tula ni Marlowe ay tungkol sa pakikig-usap ng pastol sa kanyang minamahal. Sinusuyo niya ang kanyang iniibig mula sa mga simpleng bagay na maibibigay niya mula sa pagiging isang simpleng pastol, mula sa ipinangako niyang simpleng pag-upo sa bato at panunuod sa kalikasan hanggang sa pagkanta at pagsayaw niya para lang sa ikalilibang ng minamahal niya. At kung sa mga ipinangako ng pastol ay ikaliligaya na kanyang mahal, ito ay kanya na niyang niyayaya para maging kanyang minamahal.
Ang tula naman ni Raleigh,gaya ng nabanggit, ay sagot sa pagyaya ng pastol. Sa madaling salita, ang nagsasalaysay ng tula ay ang minamahal ng pastol sa tula ni Marlowe.
Sa sinsabi ng nagsasalita sa tula ay hindi niya gusto ang mga nais ialay at maaring ibigay ng pastol sa kanya. Ito ay hindi dahil hindi siya kuntento dito, bagkus naisip niya na ang mga bagay na ipinangako ng pastol ay maaring mawala, masira at malimot, o mga materyal na bagay na hindi maaaring magtatagal. Ngunit kung ang maiipapangako ng pastol ang pag-ibig niya na pangmatagalan, siya ay papayag ng maging kaniyang minamahal ito.

now playing.....
Now playing: Slide, Goo Goo Dolls
“Oh May, put your arms around me, what you feel is what you are, what you are is beautiful!”
Alam niyo bang ako si May? Hindi?! Hehe. ako yun! Ako din yung kausap ng Goo Goo Dolls sa kanta. Ayaw maniwala oh. Hehe. basta ako nga. Alam niyo ba nung sinabi ko dati sa isa kong kaibigan lalake na yung kantang yun ay para sa ‘kin, alam niyo ang sinabi niya?! Alam niyo ba! Hay naku! Ang sama ng ugali, sabi ba naman, YUCK!........aba!aba! gusto atang masaktan e. Naaalala ko pa yung eksena, pagkasabi niya nun, sabay alis. Buti na lang, kasi kung hindi, nasapak ko na yun. Haha. Parang ganito ang sinasabi ng facial expression niya : “sus..akala ko naman kung anong sasabihing importante.”. Ang bad, noh? Nagfeeling pa kasi ako, nahurt pa tuloy ako.
Mula nun, ayoko ng kantahin yun, pero kinakanta ko na ulet ngayon yun. Matagal naman na yun, 14 years old pa lang kami nun. 18 na ako ngayon. Oh di ba, tandang tanda talaga. Hehe. Kanta ko na ulet yun, masasaktan ang komontra. Ano ha? Hehe. Maganda naman ako ah, sabi ng pápa ko. Hehe. wag na kayong komontra kasi masaksaktan talaga kayo. Hehe.
Di pa tapos kwento ko….yung lalakeng kinukwento ko sa inyo………..nanligaw siya. Whooooaaa! Ano naman say mo dun? Hehe. pero sorry siya, dahil matindi ang memory ko, hindi ko makakalimutan yung sinabi niya kaya ayun, di ko sinagot. Wala kasi siyang taste noong e. hehe. Pero we’re good friends ngayon, he’s one of my dabarkads. Hehe. di niya alam na naalala ko pa yun. Baka ngayon alam na niya. Hehe. Halos di na kami nagkakausap sa ngayon, hiwa-hiwalay na kasi dahil nasa college na kami. Di ko na alam ang mga balita sa kanya, di ko alam kung my girlfriend na siya. Ako, may boyfriend na. haha. Malapit na kami sa aming 13th month anniversary. Hehe. Ganyan talaga ang mga beautiful, di ba? Hehe..
Sana kahit di na ako “beautiful” (beautiful talaga e noh?nagfeeling na naman.hehe), mahal pa din ako ng boyfriend ko. Anyway, hanggang dito na muna. Abangan niyo pa ang susunod na kwento ng buhay ko. Masaya to. Hehe.
*ay-ayaten ka unay, ay-ayatek.*

C-5
C-5
Primera.
Kamusta ka na? Tagal nating hindi nagkita. Balita ko, may karelasyon ka na daw. Good. Ako rin meron. Haayyy… At least masaya tayo.
Segunda.
Sabi ko na nga ba, siya ‘yun. Alam ko kasi yung mga tipo mo. Gusto mo hindi masyadong maputi, hindi masyadong matalino, maliit ang paa, simple at may nunal sa mukha. Lahat ng kabakigtaran ko. O bakit natatawa ka? Iinom mo na lang ‘yan. At least naka-ahon tayong dalawa sa mga nangyari. Or at least buhay pa tayo. At least, nagkaroon tayo ng kanya-kanyang buhay. At least, may naghintay sa ating buhay.
Tersera.
O bakit tunigil ka? Please ayaw ko na nang ganito. Okey ka lang ba? Galit ka ba? Sabihin mo. Hanggang ngayon ganyan ka pa rin. Ayaw mo ban g paspas ko? ‘Wag kang mag-alala, hindi pa ako laseng. Dalawang Red Horse lang naman ito. Hindi kita ibabangga. Naghihintay siya sa’yo, ‘di ba? May naghintay din naman sa kin. Masaya ako ngayon. Ayaw ko pang mamatay. Ayaw ko nang mamatay.
Quarta.
O bakit tumutulo luha mo? Ba’t ka nagkakaganyan? Gusto mo patugtugin ko yung Despite the Tears ni Jeff Buckley? Peyborit mo ‘yun, ‘di ba? Alam ko na, yakapin na lang kaya kita nang mahigpit? Halikan kaya kita sa palad? Ipasok ko kaya yung dila ko sa pusod mo? Ipatong ko kaya yung kamay ko sa hita mo? ‘Wag ka nang umiyak. Sabi mo, masaya ka na, ‘di ba?
Quinta.
Balewala ‘tong Red Horse sa paglaseng ko sa’yo noon. Aaminin ko, may hang-over pa rin ako hanggang ngaayon. Gago ka kasi. Ano ba, masaya ka ba talaga? Alam mo ako hindi. Hinahanap kita sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko. Pero hindi kita Makita. Ngayon, para akong nawawalang tupa. Bi, namimiss na kita. Sori ha, naiiyak na ako.
Sige, pagbukas mo pa ako ng beer. Ipaspas pa natin. Hanggang lumipad tayo. Hanggang mapadpad tayo sa lugar na hindi pa natin napupuntahan. Hanggang sa matakasan natin sila. Hanggang sa makapagsimula ulit tayo.
Bi, mahal pa rin ‘ata kita.
-Janis Joplin

Subscribe to:
Posts (Atom)